top of page
Search

ni Madel Moratillo | April 28, 2023




Isinusulong ni dating Pangulo at ngayo’y House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na mula sa kasalukuyang K-12 basic education curriculum ay gawin itong K+10+2 program.


Ayon kay CGMA, naghain na siya ng panukala sa Kamara para rito.


Batay aniya sa mga pag-aaral, kabilang ng Department of Education, bigo ang Technical, Vocational and Livelihood Curriculum na makapag-produce ng job-ready graduates.


Kinonsulta umano n’ya rito si Vice President at Education Secretary Sara Duterte at alam din ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


Sa ilalim ng K+10+2 na isinusulong ni CGMA, ang +2 ay hindi na magiging voc-tech kundi itutulad sa foundational college courses sa Europa na naghahanda sa kanila sa university education.


Sa ilalim ng nasabing panukala, pagdating ng fourth year high school ay ga-graduate ang isang estudyante at ang plus 2 ay magiging post-secondary o pre-university para sa mga nais mag-pursue ng professional degree.


 
 

ni Madel Moratillo | April 28, 2023




Piliin ang kurso o larangan na magiging masaya ka. Ito ang payo ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga K–12 graduates sa kanyang speech sa moving up ceremony and commencement exercises sa Montessori de San Juan.


Kasabay nito, hinikayat ni Duterte, ang mga Grade 12 student na i-pursue pa rin ang mas mataas na edukasyon para matamo ang pangarap na propesyon.


Pero dapat maging masaya pa rin aniya ang pag-abot dito.

Payo niya sa mga estudyante, matutong maging masaya habang pumapasok at nag-aaral.


Pero hindi rin aniya dapat kalimutan ang mga taong nagsakripisyo para sa kanilang tagumpay gaya ng magulang, guro at kaibigan.


 
 

ni Lolet Abania | March 17, 2022



Ganap nang batas matapos na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang measure na mag-oobliga sa mga paaralan sa buong bansa ng pagbibigay ng free basic education at katulad na serbisyo sa mga mag-aaral na may disabilities.


Ang Republic Act 11650 o isang Act “Instituting a Policy of Inclusion And Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act” ay pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Marso 11.


“The policy of inclusion is hereby instituted in all early and basic education schools, both public and private. All schools... shall ensure equitable access to quality education to every learner with a disability,” bahagi ng nakasaad sa measure.


Samantala, ang Department of Education (DepEd) ay may mandato na magtatag at magmintina ng tinatayang isa ng tinatawag na Inclusive Learning Resource Center (ILRC) sa lahat ng mga lungsod at munisipalidad.


Nakapaloob din sa naturang batas na ang lahat ng umiiral na Special Education Centers ay kailangang i-convert, at palitan ang pangalan bilang ILRCs. Gayundin, ang mga local government units (LGUs) ay maaari namang magtatag ng satellite ILRCs sa mga paaralan at mga karagdagang pasilidad.


Sa ilalim ng batas, ang ILRCs ay may mandato na ipatupad ang Child Find System na nakasaad, “which seeks to identify, locate, evaluate, and facilitate the inclusion of learners with disabilities of not more than 24-years-old.”


“It is the policy of the State to protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels and shall take appropriate steps to make such education accessible to all,” batay pa sa measure.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page