by Info @Editorial | Nov. 27, 2024
Pansamantala umanong ititigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng guarantee letter (GL) simula Disyembre 13, 2024.
Paliwanag ng ahensya, ito ay upang mapagtuunan nila ang pag-aasikaso sa mga kinakailangang dokumento para mabayaran ang mga service provider na nagsisilbing partner nito.
Kaya hindi muna makapagbibigay ng GL sa mga may pangangailangang medikal gayundin umano sa funeral expenses na nagkakahalaga ng P10,000 pataas.
Hindi naman daw ito nangangahulugan na wala nang pondo ang ahensya kundi, kailangan lamang pagtuunan ang iba pa nitong responsibilidad.
Tiniyak naman ng DSWD na kapag naayos na ang lahat ng kanilang obligasyon sa mga service provider, magbibigay na uli ng GL sa mga nangangailangan.
Kaugnay nito, hindi maiiwasang mangamba ang publiko. Paano na ang mga magkakasakit?
Hindi ba maaaring gawan ng paraan na hindi matigil o maantala ang pagtawid ng tulong sa mga nangangailangan?