ni Eddie M. Paez, Jr. / MC - @Sports | May 16, 2022
Bandang hapon matapos maka-gold uli si Agatha Wong, double celebration na nang maka-ginto rin si Arnel Mandal nang talunin si Laksmana Pandu Pratama ng Indonesia sa finals ng men’s 56kg sanda, 2-0 kahapon sa SEAG.
Uuwi ang Team Philippines na may 2 gold, 2 silver at ang isa mula kay Jones Inso sa men’s taijiquan (taolu) at bronze, at mula rin kay Inso sa taijijian. “Because of little time to train our athletes, our conservative estimate was two gold medals and we achieved it,” ani Wushu Federation of the Philippines president Freddie Jalasco.
Ikatlong gold medal ang nasungkit ni Carlos Yulo sa men's ring kagabi. Nanguna siya sa rings final sa 14.400 points. Silver medal si Vietnam's Nguyen Van Kanh (13.800) at Thanh Tung Le (13.500) .
Hindi na siya nakapasok sa podium ng pommel horse kasama ang kabayan na si Jan Timbang.
Samantala, apat na bowlers ang lalarga sa national team upang tuldukan ang 11-year gold medal drought sa aksiyon ngayong Lunes sa 31st Vietnam SEA Games sa Royal City Hanoi Bowling Lanes.
Aaksiyon sina Merwin Tan at Ivan Malig sa men’s play ng 9 a.m. habang sina Alexis Sy at Mades Arles ay lalarga sa distaff side simula ng 1 p.m.