ni Jasmin Joy Evangelista | April 1, 2022
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang General Luna sa Surigao del Norte ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ang naturang lindol ay tectonic in origin at naganap bandang 9:35 a.m.
Ang epicenter nito ay 09.88°N, 126.89°E - 060 km N 81° east ng General Luna at may lalim na 015 kilometers.
Naramdaman ang Intensity II sa General Luna, at Dapa, Surigao del Norte.
Ayon sa PHIVOLCS, walang naitalang pinsala ngunit posible umanong magkaroon ng aftershocks.