top of page
Search

ni J. Sanchez | April 26, 2023




Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Sumatra Island sa Indonesia, kahapon nang alas-3:00 ng madaling-araw.


Dalawang oras matapos ang lindol, naglabas ng tsunami warning, na dahilan upang lumikas ang mga residente.


Ayon sa United States Geological Survey, ang epicenter ng lindol na naganap ay nasa dagat na malapit sa Mentawai islands.


Bagama’t, walang naitalang casualty, may ilang aftershocks na naranasan.


Samantala, madalas na nakakaranas ng paglindol ang Indonesia dahil ito ay nasa Pacific Ring of Fire, na seismically active zone kung saan iba’t ibang plates ng mga crust ng mundo ang nagsasalubong.


 
 
  • BULGAR
  • Apr 6, 2023

ni BRT | April 6, 2023


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Niyanig ng 6.2 magnitude na lindol ang Catanduanes kamakalawa, alas-8:54 ng gabi.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natagpuan ang epicenter sa 120 kilometro southeast ng bayan ng Gigmoto. May lalim na 9 kilometro ang lindol.


Naramdaman ang Intensity IV sa Virac, Catanduanes, habang naramdaman naman ang Intensity III sa Prieto Diaz, at Sorsogon City, Sorsogon; San Policarpo, Eastern Samar; Allen, Biri, Bobon, Catarman, Laoang, Lavezares, Rosario, San Jose, at San Roque sa Northern Samar; Calbiga, at City of Catbalogan, Samar.


Naramdaman naman ang Intensity II sa Malinao, at Tabaco City sa Albay; Borongan City sa Eastern Samar; Babatngon, Dagami, Dulag, Palo, Santa Fe at Tanauan sa Leyte; Tacloban City at San Antonio sa Northern Samar.


Naramdaman naman ang Intensity I sa Alangalang, Baybay City at Tabontabon sa Leyte.

Naitala naman ang Instrumental Intensity II sa Legazpi City, Legaspi, Albay; Daet, Camarines Norte; Sipocot, Iriga City, Pili, Camarines Sur; Kananga, Dulag, Abuyog, Leyte; San Roque, Northern Samar; Bulusan, Prieto Diaz, Sorsogon.


Naitala ang Intensity I Ragay, Pasacao, Camarines Sur; Quinapondan, Eastern Samar; Palo, Alangalang, Leyte; Monreal, Uson, Masbate; Gumaca, Polillo, Mauban, Guinayangan, Quezon; Donsol, Sorsogon.


 
 

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 20, 2023



Hindi bababa sa 12 katao ang namatay sa 6.5 magnitude na lindol sa baybayin ng Ecuador noong Sabado.


Naramdaman ang lindol sa 13 probinsya sa bansa ng South America, kung saan ang Guayas, El Oro, Azuay at Chimborazo ang pinakaapektado.


Patuloy pa ang search and rescue operations, partikular sa lungsod ng Machala sa El Oro Province.


Ang bilang ng mga nasawi ay maaaring tumaas sa gitna ng mga pagsisikap na mahanap ang mga nakulong sa ilalim ng mga durog na bato.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page