top of page
Search

ni Lolet Abania | December 21, 2021



Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Occidental Mindoro ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Batay sa earthquake bulletin ng PHIVOLCS, ang epicenter ng lindol, kung saan naganap ng alas-12:08 ng tanghali ay nasa layong 15 kilometers northeast ng Sablayan, Occidental Mindoro.


Naitalang tectonic ang pagyanig na may lalim na 15 kilometers. Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang Intensity IV sa Sablayan at Rizal, Occidental Mindoro; Intensity III sa Abra De Ilog, Santa Cruz at Calintaan, Occidental Mindoro; Calapan City at Bansud, Oriental Mindoro; Intensity II sa Makati City; Batangas City; Baco, Oriental Mindoro; Intensity I sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Tingloy, Batangas.


Sinabi rin ng PHIVOLCS, asahan na ang aftershocks at posibleng pinsala matapos ang lindol

 
 

ni Lolet Abania | December 13, 2021



Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang lalawigan ng Batangas ngayong Lunes ng hapon, ayon sa PHIVOLCS.


Batay sa PHIVOLCS, naitala ang lindol bandang alas-5:12 ng hapon, na nasa 24 kilometro timog-kanluran ng Calatagan, Batangas habang may lalim itong 99 kilometro at tectonic in origin.


Naramdaman din ang pagyanig na nakapagtala ng Intensity 3 sa Quezon City at Intensity 2 naman sa San Felipe, Zambales.


Gayundin, naitala ang Instrumental Intensity 1 sa Quezon City, Tagaytay City, Batangas City at Calatagan. Ayon pa sa PHIVOLCS, asahan na ang posibleng mga aftershocks matapos ang lindol.


 
 

ni Lolet Abania | December 5, 2021



Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bahagi ng baybayin ng Sarangani Island, Davao Occidental ngayong Linggo ng umaga.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol bandang alas-7:47 ng umaga ngayong Linggo.


Ang epicenter nito ay matatagpuan sa layong 04.06°N, 128.15°E - 336 km S 62° east ng Sarangani Island sa Davao Occidental.


Sa ulat ng PHIVOLCS, ang lindol ay may lalim na 173 km habang tectonic in origin.

Naitala ang Intensity II na naramdaman sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental, at sa Cateel, Davao Oriental.


Sinabi pa ng ahensiya, wala namang pinsala na inaasahan subalit posibleng magkaroon ng mga aftershocks.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page