top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 16, 2021



Pumalo na sa mahigit 1,200 ang bilang ng mga nasawi sa tumamang magnitude 7.2 na lindol sa Haiti noong Sabado at patuloy pa ring nagsasagawa ng search and rescue operations ang mga awtoridad sa pag-asang may mahahanap pang mga survivors mula sa mga gumuhong gusali.


Ayon sa Civil Protection Agency ng naturang bansa, tinatayang aabot sa 13,600 gusali ang nasira at libu-libong katao ang sugatan dahil sa insidente.


Samantala, nahihirapang magsagawa ng operasyon ang mga rescuers dahil sumabay pa ang Tropical Depression Grace na nagdulot ng pag-ulan at pagbaha, ayon sa US National Weather Service.


Nangako naman ang United States, Chile, Argentina, Peru, Venezuela at iba pang bansa na magpapadala ng tulong sa Haiti.


Nagpadala na rin ang Dominican Republic ng 10,000 food rations at mga medical equipments. Nagpadala rin ang Cuba at Ecuador ng mga medical at search and rescue teams sa Haiti.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 6, 2021



Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Davao del Sur ngayong Huwebes, alas-2:21 nang hapon, ayon sa tala ng PHIVOLCS.


Naitala ang epicenter ng lindol sa 06.78°N, 125.09°E - 007 kilometers N 69° W ng Magsaysay, Davao Del Sur at ang lalim naman nito ay 020 km.


Naramdaman din ang Intensity V sa Koronadal City, Intensity IV sa Bansalan, Matanao, Hagonoy at Padada, Davao Del Sur; Davao City; Digos City; Kidapawan City; Tupi, South Cotabato, Intensity III sa Lake Sebu at Tampakan, South Cotabato; Antipas, Kabacan, Matalam, M'lang, Cotabato; Columbio at Kalamansig, Sultan Kudarat, at Intensity II sa Pikit Cotabato; Isulan, Sultan Kudarat; Alabel Sarangani; at General Santos City.


Nagbabala rin ang PHIVOLCS sa posibleng aftershocks.


 
 

ni Twincle Esquierdo | September 9, 2020




Niyanig ng 5.7-magnitude na lindol ang Sarangani, Davao Occidental. Naitala ang sentro ng lindol sa layong 208 KM Timog-Silangan ng Sarangani.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 65 kilometro na naramdaman bandang alas-11:41 ngayong umaga.

Wala namang naitalang pinsala o nasaktan matapos ang lindol. Pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa posibleng pag-ulit ng pagyanig.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page