ni Thea Janica Teh | January 9, 2021
Ikinababahala ng ilang scientists ang bagong COVID-19 variant na nadiskubre sa South Africa at tinawag na E484K mutation.
Nagpaplano nang magsagawa ng kaparehong test na ginawa sa COVID-19 variant na nadiskubre sa UK ang mga scientists upang malaman kung epektibo pa rin ang nagawang COVID-19 vaccine ng Pfizer Inc. at BioNTech.
Napag-alaman namang epektibo pa rin sa bagong variant ng COVID-19 sa UK ang vaccine na gawa ng Pfizer Inc. at BioNTech, ayon sa isinagawang laboratory study ng US drugmaker.
Sa pag-aaral ng Pfizer at mga scientists mula sa University of Texas Medical Branch, epektibo pa rin ang vaccine sa pagnyu-neutralize ng virus na kung tawagin ay N501Y mutation.
Ibinahagi ni Phil Dormitzer, isa sa top viral vaccine scientists ng Pfizer Inc. na pinag-aralan ng mga ito na maaaring ang mutation ang dahilan ng mabilisang pagkalat ng virus at inaalala na maaaring mawala ang antibody neutralization mula sa vaccine.
Kaya naman nagsagawa sila ng test sa 16 na magkakaibang mutation at kumuha ng blood sample sa mga taong nakakuha na ng vaccine.
“So we've now tested 16 different mutations, and none of them have really had any significant impact. That's the good news... That doesn't mean that the 17th won't,” ani Dormitzer.