top of page
Search

ni Rey Joble @E-Sports | March 16, 2024





Papailanglang ang pinakabagong grupo sa Mobile Legends: Bangbang – ang Sparkle.


Binubuo ng mga pangunahing miyembro ng grupo sa pangunguna nina Estes sa Keyboard, Frederinn sa Drums, at Melissa bilang premyadong bokalista at gitarista, binuo ang tatlo base sa kanilang naturang hilig sa musika. Pero ano nga bang klaseng musika ang ating inaasahan?


Tunghayan ang kanilang unang pagsalang sa ALLSTAR Rave Live sa Marso 30. Simula ngayong araw, Marso 16, ang mga manlalaro ay puwedeng makakuha ng Allstar tokens sa pagkumpleto ng kanilang arawang asignatura at makakolekta ng mga rewards galing sa Allstart shop, kabilang dito ang Allstar Graffitti, Allstar Avatar Border, Allstar Gifts, mga permanenteng sapatos at iba pa.


Ang naturang shop ay bubuksan mula ngayong araw hanggang 30 ng Abril kung saan mabibili ang Allstar  Skin Estes simula 21 ng Marso at Allstar Fredrinn na ilalabas sa 28 ng Marso. Mabibili ito na may 30% discount sa unang tatlong Linggo.


Si Sparkle Melissa ay lalabas na may dalawang skins – and Classic Album version na may 349 na diamonds at ang Collector's Album na may 599 at maaari na itong mabili mula Marso 16. Maari ring makuha ang special battlefield emote at action ni Meslissa hanggang Abril. 


 
 

ni Rey Joble @E-Sports | March 10, 2024





Babandera ang Team Spirit bilang isang premyadong organisasyon na sasalang sa papalapit na Mobile Legends: Bang Bang Continental Championships Season 3 na gaganapin sa Marso 30.


Inanunsiyo ito ng Moonton Games and Fissure, ang organizers ng torneo kung saan papagitna sa Team Spirit, bitbit ang mga kasali sa Deus Vult, na nagkampeon sa Season 2 ng MCC at isa sa apat na nangungunang koponan sa M5 World Championship.


Ang Team Spirit ay kilala bilang sa mga pangunahing organisasyon ng esports sa Silangang Europa at gitnang Asya (EECA).


Pumukaw ng atensiyon ang Deus Vult sa M5 World Championship kung saan pinangunahan ang kanilang kampanya ni  "Kid Bomba." 


Ang kanilang magandang pagtatapos ay nakalikha ng ingay, dahilan para kuhain sila ng Team Spirit na pinapirma ang mga naturang players gaya nina Stanislav "SAWO" Reshnyak, Anton "HIKO" Pak, Kemiran "Sunset Lover" Kochkarov, Mathaios "Kid Bomba" Chatzilakos at Sergei "Marl" Finashev.


Ayon kay Adalyat Mamedov, Esports and  Commercial Lead, EECA ng  Moonton Games, bukas palad nilang tinatanggap ang Team Spirit para mas maging prestihiyoso at mas glamoroso ang naturang kompetisyon.


"As one of the world's esports juggernauts, we expect them to raise the league's competitive quality and entertainment value to the next level. Coupled with their world-beating talent equipped with teen spirit, they are set for an impactful first season."


Hangad naman ni Team Sprit chief executive officer Nikita Cheshir Chukalin na mas pagbutihin pa ang kanilang kampanya at mapanatili ang kanilang estado bilang pinakamahusay na team sa rehiyon.


Magandang hamon naman para sa Team Spirit, ayon kay Nikita, ang pagsali sa Mobile Legends: Bang Bang kung saan makikita kung gaano kataas pa ang kanilang potensiyal sa bagong larangan na kanilang sasalihan.  


 
 

ni Rey Joble @E-Sports | March 3, 2024




Walong koponan ang maglalaban-laban para sa puwesto para dalhin ang Pilipinas sa prestihiyosong MSC 2024, ang pinakamalaking Mobile Legends: Bang Bang Mid-Season Cup na gagawin sa Riyadh, Saudi Arabia.


Ito ang layunin ng bawat prangkisa na sasalang sa nalalapit na Mobile Legends: Bang Bang Professional League - Philippines (MPL-PH).


Ang ika-13 Season ng MPL-PH ay bubuksan simula Marso 15, tatlong beses isang Linggo – Biyernes, Sabado at Linggo – hanggang Mayo 5.


Lahat ng mga laban ay gagawin sa Shooting Gallery Studios sa Makati City.


May on-ground activities din na gagawin sa papalapit na season, kabilang dito ang  Winstreak, kuwento hango sa tema kung saan magbabahagi ng mga kaalaman sa mga laban. 


Ang video ng  Winstreak ay hinati sa limang parte kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang mga kalahok at iba pang mga nahihilig sa Mobile Legends na mas madagdagan ang kanilang nalalaman sa laro.


Bukod dito, naglaan din ang liga ng  Super Star Match para sa nalalapit na MPL Week na gagawin tuwing Miyerkules. Bilang pasasalamat ito ng MPL Philippines sa kanilang mga manonood at taga-suporta sa pagbibigay ng mga codes or gabay sa mga laro para mas mabilis matuto at mahasa ang mga manlalaro.


Ang nalalapit na season ng MPL-PH ay sinusuportahan ng Smart Communications, Inc. bilang opisyal na kanilang telco partner. Nakibahagi rin ang Infinix ng mas mahabang pakikipagsosyo sa MPL-PH para sa mas maihatid ng ang mga laban sa simula ng Season 13. Ito  ang ika-apat na sunod na taon na magkaagapay ang Infinix at MPL-PH.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page