ni Gerard Arce - @Sports | November 25, 2021
Pinabulaanan ng koponan ng Omega Esports Dota 2 ang paratang na pandaraya sa kanilang samahan matapos silang pagbawalang lumahok sa mga gaming at sponsored events ng Valve video game company.
Hinihintay ng Omega Esports ang opisyal na kopya ng desisyon ng organizers ng mga liga ng Valve kasunod ng imbestigasyon na isinagawa sa mga nagdaang laro ng mga datihan at kasalukuyang manlalaro ng naturang koponan na nabunyag ang aktibidad na match-fixing.
“It us unfortunate that we have not yet received an official copy of the decision from the organizers of the league regarding this matter. We do not condone any form of cheating and game fixing in our organization. We will look into this matter and reach out to all the parties involved,” ayon sa official statement ng SMART Omega.
Naunang inilabas ng SEA Dota Pro Circuit League sa kanilang social media account ang anunsyo ng pagbabawal sa Omega Esports at sa mga datihan at kasalukuyang manlalaro nito na nasasangkot sa umano’y ‘game-fixing’.
“Team SMART Omega (AKA “Omega Sports) have been officially banned from all VALVE-sponsored events due to their engagement in match-fixing activities,” ayon sa twitter post ng SEA Dota Pro Circuit League.