ni Lolet Abania | February 22, 2021
Hindi isasailalim ang buong bansa sa maluwag na klasipikasyon na modified general community quarantine (MGCQ) hanggang walang pagbabakuna ng COVID-19 na nagaganap.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, Jr. na mas matimbang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kalusugan at kaligtasan ng publiko kesa sa ekonomiya ng bansa.
"President Rodrigo Roa Duterte gave his directive to the Cabinet that the Philippines would not be placed under modified general community quarantine unless there is a rollout of vaccines," ani Roque sa pagpupulong ngayong Lunes nang gabi.
"The Chief Executive recognizes the importance of reopening the economy and its impact on people's livelihoods. However, the President gives higher premium to public health and safety," dagdag ng kalihim.
Ayon kay Roque, nais ng Pangulo na simulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa lalong madaling panahon upang aniya, maisailalim na ang bansa sa maluwag na community quarantine.
Matatandaang sinabi rin ni Senator Bong Go na naniniwala si P-Duterte na ang pagsasailalim sa MGCQ ay hindi makabubuti ngayon sa bansa. "No vaccine rollout, no MGCQ muna -- PRRD," ani Go sa isang interview.