ni Lolet Abania | May 3, 2022
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magpabakuna na ng COVID-19 booster shots bago bumoto sa May 9 elections upang maprotektahan ang sarili sa posibleng impeksyon sa mga polling precincts na dadagsain ng mga botante.
“‘Yung booster shots ninyo, it’s still available at anybody can have it because it’s election time. There will be crowding again of people congregating and it would be good to have the booster shots before you go out and mix with the crowd,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People na ipinalabas ngayong Martes nang umaga.
Paliwanag ng Pangulo, maaaring ang booster shots ay hindi 100% guarantee na wala o hindi tatamaan ng COVID-19 infections lalo na sa mga mahihina ang immune systems, subalit puwede itong makatulong na protektahan ang sinuman laban sa viral disease.
“If normal ka lang, hindi ka masakitin, it can protect you and you can vote there without any… sans the worry about getting the infection again,” ani Pangulo.
Una nang ipinaalala ni Pangulong Duterte sa mga botante na sumunod sa mga minimum public health standards sa mga polling precincts sa Election Day upang maiwasan ang isa pang COVID-19 surge sa bansa lalo na’t kinokonsidera, sa hiwalay na babala ng Department of Health (DOH) at OCTA Research, ang posibleng pagtaas ng COVID-19 infections.
“Still, we’re in the COVID-19. Complacency is really the… it would be the enemy of the matter of preventing again or allowing the COVID-19 to come back. Sabagay, it would not be as serious like before, kasi bakunado tayo,” saad ni Pangulong Duterte.
Nitong Lunes, ipinahayag ng DOH na nasa mahigit 67.9 milyong indibidwal o 75.45% na target population ng gobyerno ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa ngayon, habang nasa 13.2 milyong Pilipino naman ang nakatanggap ng kanilang booster shots.