ni Angela Fernando - Trainee @News | December 10, 2023
Nagpahayag si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na kwalipikado ang 'Pinas na mag-host ng board ng climate disaster fund na tinatawag na "Loss and Damage Fund" dahil ang bansa ay patunay ng mga epekto ng pabago-bagong klima.
Ito ay sinabi ni Loyzaga sa ika-28 na United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) na ginanap sa Dubai, kung saan ang bansa ay naghahangad na maging host ng board ng Loss and Damage Fund, at magkaroon din ng puwesto sa Board of the Fund.
Ani Loyzaga, gumawa na ang bansa ng mga aksyon gamit ang pagpapatupad ng mga inisyatiba upang bawasan ang emisyon sa pamamagitan ng pagpopondo sa mga yaman na pinagkukunan ng renewable na enerhiya, pagiging matibay sa harap ng mga kalamidad, pagpapalawak ng mga kasanayan at social protection, lalo para sa mahihirap, upang makamtan ang isang makatarunganang transisyon, at pagsasama-sama ng mga aspeto ng klima sa mga plano at badyet para sa pag-unlad.
Saad naman ng Philippine Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang 'Pinas ay may layong itaguyod ang biodiversity at karagatan bilang pinagmumulan ng mga solusyong kalikasan sa krisis ng klima, at magsilbing pundasyon para sa pag-unlad.