Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 1, 2023
Mananatili sa listahan ang 761,150 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) pagkatapos ng reassessment sa pagsunod kay Kalihim Rex Gatchalian, ayon sa isang mataas na opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, magpapatuloy na makatanggap ng benepisyo ang bawat pamilya sa ilalim ng 4Ps matapos malaman sa kanilang ginawang pag-aaral na sila ay nangangailangan pa rin ng tulong galing sa gobyerno.
Parte ang mahigit 760k sa 1.1-milyong pamilyang nangangailangan ng benepisyo sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).
Ang 4Ps ay isa sa tugon ng pamahalaan sa lumalalang kahirapan at programang nagbibigay ng pinansyal na tulong para maging kapital ng isang kwalipikadong tao o pamilya.