ni Eli San Miguel @Overseas News | June 13, 2024
Inihayag ng DSWD nitong Huwebes na nasa 28,000 na buntis ang maaaring makinabang sa cash transfer program ng pamahalaan dahil sa mas pinalawak at pinatibay na tulong-pinansyal nito.
“Sa kasalukuyan po, batay sa datos ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program National Program Management Office, as of May 31, nasa mahigit 28,000 yung mga buntis na ina… But of course, we expect this data to still change,” pahayag ni DSWD spokesperson Irene Dumlao sa isang public briefing.
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Martes ang panukala na magbigay ng cash grants sa mga buntis at nagpapasuso na mga ina sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang tiyakin na matutugunan ang pangangailangan sa kalusugan ng kanilang mga anak sa unang 1,000 araw.
Gayunpaman, sinabi ng DSWD na maaaring hindi agad maipatupad ang pinalawak na cash grant dahil patuloy pang inaayos ang mga guidelines nito.