top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 7, 2023




Arestado ang dalawang drug suspect sa isang buy-bust operation sa Silang, ngayong Martes ng umaga.


Kinilala ng Cavite Police Provincial Office ang mga suspek bilang si alias Susan at alias Joshua.


Naaresto ang mga suspek matapos silang mahuli sa aktong pagbebenta ng ilegal na droga sa isang poseur buyer ng pulisya.


Nasamsam sa operasyon ang 255 gramo ng hinihinalang "shabu" na may tinatayang halagang P1,759,500.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Silang Municipal Police Station ang mga suspek at kinakaharap ang mga alegasyon ng paglabag sa mga batas laban sa droga.


Ilalabas ang mga kumpiskadong ebidensya sa Cavite Provincial Forensic Unit sa Imus City.

 
 

ni Madel Moratillo @News | October 3, 2023




Muling binuhay ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ang panawagan sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.


Kasunod ito ng pagkakadiskubre sa bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu na nasabat sa Subic, Zambales. Ang shipment ay mayroon umanong Thai markings na may mga kasamang chicharon at dog food.


Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Barbers na isinusulong niya ang pagbuhay sa death penalty sa drug cases mula pa noong 11th Congress. Pero aminado ang mambabatas na

isang paraan lang ang death penalty dahil ang dapat ay magkaroon aniya ng reporma sa law enforcers unit.


Ang death penalty ay una nang na-abolish noong 2006



 
 

ni BRT | February 23, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Inaresto ang isang food vlogger at kasama niyang tulak matapos silang mahulihan ng marijuana na nagkakahalaga ng P44,400 sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ang inarestong tulak na si Gian Kalvert Paz habang ang kabarkada niyang food vlogger ay si Cassius Labatete.

Kaugnay nito, nakuha sa kanila ang 370 gramo ng marijuana.

Ayon sa pulisya, malaki na ang kanilang operasyon sa barangay at mga karatig-barangay, kaya itinuturo na rin sila ng mga nauna nang nahuli.

Samantala, iginiit naman ng food vlogger na si Labatete na gumagamit lamang siya pero hindi nagbebenta.

“Pampatulog lang. Puyat din kasi saka stressed sa pag-e-edit kaya kailangan ko rin ng pampakalma,” ani Labatete sa isang panayam.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page