top of page
Search

ni Lolet Abania | March 6, 2021



Isang babae ang nahuli matapos na tangkang ipuslit sa loob ng Davao City Jail ang hinihinalang marijuana at ilegal na droga mula sa dala nitong pritong manok.



Kinilala ang suspek na si Audrey Madelo Millomeda, 37-anyos at residente ng Deca Homes, Barangay Cabantian, Buhangin District, Davao City.


Sa ulat, mahigpit na ipinatutupad ng mga tauhan ng Davao City Jail ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga papasok sa nasabing pasilidad.



Habang ininspeksyon ng jail guard ang mga dalang pagkain ng suspek, napansin nito na may nakahalo sa pritong manok na pakete at lumabas na ang laman ay ilegal na droga at marijuana.


Tumitimbang ng 50 grams ang ilegal na droga na may street value na P800,000. Inihahanda na ang isasampang kaso na paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.


Matatandaang, maraming beses na ring nakarekober ng malalaking halaga ng ilegal na droga ang nasabing city jail, kung saan nakakuha nito mula sa idinikit sa mga walis na ibinigay umano ng isang religious group.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 5, 2021




Timbog ang tatlong tulak sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kung saan mahigit P680,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa Recto Avenue, Maynila ang nasabat kahapon, Marso 4.



Ayon sa ulat, taga-Makati at Caloocan City ang mga suspek na dumadayo pa umano sa ibang bayan para lamang magbenta ng shabu.


Kasong Illegal Drugs Selling at Possession of Dangerous Drugs ang haharapin ng tatlo.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 9, 2020




Nakatakas ang isang drug suspect na nakitaan ng sintomas ng COVID-19 sa kustodiya ng pulisya sa La Union matapos nitong umubo sa mukha ng isang police officer.


Kinilala ang suspek na si Teofilo Doctolero Lopez na mula sa San Isidro, Agoo. Alalay umano ni Lopez ang police vehicle para makapagpa-checkup sa La Union Medical Center nang tinanggal nito ang kanyang face mask at saka umubo sa mukha ni Pat. Ronald Macalino.


Nang inihinto ang vehicle upang makapag-disinfect, agad na tumalon si Lopez sa sasakyan at tumakas habang naghuhugas ng kamay at mukha si Macalino.


Hinabol umano ng driver ng police vehicle at ni Macalino si Lopez ngunit bigo silang maabutan ito. Nangako naman si Ilocos Region Police Director Rodolfo Azurin na hahanapin nila si Lopez.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page