ni Lolet Abania | March 12, 2022
Plinaplano na rin ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na palawigin ang kanilang configuration mula sa dating 3-car train ay gawin na itong 4-car train setup upang magdagdag ng kapasidad ng mga pasahero na sumasakay ng tren araw-araw.
Sa isang Facebook post nitong Biyernes, ayon sa pamunuan ng MRT3 balak nilang gumamit ng isang 4-car train setup stems mula sa isinagawa nilang “dynamic testing” operation noong Marso 9, 2022.
Ayon sa MRT3, target nilang i-expand ang kapasidad ng mga naisasakay sa istasyon sa pamamagitan ng pag-deploy ng mga tren na may 4 cars o bagon sa bawat train set.
Nabuo ang inisyatibo, matapos ang matagumpay na dynamic testing ng isang tren na may 4-car configuration na isinagawa ng pamunuan para tiyakin na ligtas na tumatakbo ang behikulo, maginhawang sakyan at matatag ito at hindi madidiskaril.
“With 4-car train sets, we can further increase our line capacity, which will enable us to serve more riding public with safe and reliable transport system as the country navigates into the ‘new normal’,” pahayag ni Director for Operations Michael Capati.
Ayon pa sa pamunuan, ang station platforms ng MRT3 ay dinisenyo para mag-accommodate ng 4-car train operation.
“But the pocket track, where trains park off the main line, has been found to have insufficient length to accommodate the safe operation of trains in 4-car configuration,” batay sa MRT3.
Gayunman, inirekomendang i-redesign ang track sa hilagang bahagi ng mainline para mapayagan ito at magkaroon ng ligtas na operasyon ng 4-car train sets.