top of page
Search

ni Madel Moratillo | July 3, 2023




Humingi ng paumahin ang DDB Philippines, ang agency na kinuha ng Department of Tourism (DOT) para sa kanilang bagong tourism campaign na "Love the Philippines".


Sa isang pahayag, sinabi ng DDB na inaako nila ang responsibilidad sa pangyayari.


Una rito, kumalat ang ilang online posts na ang ilang video clips na ginamit umano sa Audio Visual Presentation ay mula sa subscription-based stock footage website na hindi kinuha sa Pilipinas.


“The use of foreign stock footage in a campaign promoting the Philippines is highly inappropriate and contradictory to the DOT’s objectives," pahayag ng DDB.


Aminado silang dapat ay nagkaroon umano ng tamang screening at approval process sa mga ginamit na video.


Una rito ipinag-utos ng DOT ang imbestigasyon sa claim ng blogger na si Sass Sasot kung saan sinabi na 5 scenes ang kuha sa ibang bansa gaya ng rice terraces sa Bali, Indonesia; magsasakang naghahagis ng net sa Thailand; pasahero sa eroplano sa Zurich, Switzerland; tumatalon na dolphins; at nagda-drive ng sasakyan sa sand dunes sa Dubai, United Arab Emirates.


Ayon sa DOT, bago ang launching ng bagong slogan, paulit-ulit nilang kinumpirma sa DDB ang originality at ownership ng mga materyales na ginamit.


 
 

ni Mylene Alfonso | May 17, 2023




Nakatakdang baguhin ng Department of Tourism ang campaign slogan ng Pilipinas.


Ayon kay Tourism Sec. Christina Frasco, inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang National Tourism Development Plan para sa taong 2023 hanggang 2028.


Sa kasalukuyan, ginagamit ng Pilipinas ang campaign slogan na “It’s more fun in the Philippines.”


Gayunman, hindi na muna tinukoy ni Frasco ang bagong campaign slogan.

Binanggit niya na target ng pamahalaan na gawing tourism powerhouse ang Pilipinas.


 
 

ni Madel Moratillo | May 17, 2023




Hindi na maghihigpit ng travel restrictions ang gobyerno sa kabila ng tumataas na mga kaso ng COVID-19.


Partikular na sa ilang tourist destination sa bansa.


Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, mismong ang World Health Organization na ang nagsabi na tapos na ang pandemyang dulot ng COVID.


Ang direksyon aniya ng bansa ngayon ay buksan na ang ekonomiya kasama na ang turismo.


Ito ay para matulungan ang ating mga kababayan na makabangon sa epekto ng pandemya.


Pero dapat pa rin aniyang tiyakin ang pagsunod sa minimum health and safety standards.


Una rito, sa Baguio City ay tumataas na ang kaso ng COVID kaya muling ibinalik ang pagsusuot ng face mask.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page