ni Angela Fernando - Trainee @News | March 9, 2024
Nagbayad si Donald Trump ng $91.6-milyon dahil sa kasong paninirang-puri o defamation nu'ng Biyernes.
Ito ay matapos umapela ang manunulat na si E. Jean Carroll dahil tinawag siya ng dating presidenteng sinungaling pagtapos niya itong akusahan ng panghahalay ilang dekada na ang nakalipas.
Pinalagan naman ni Trump ang kasong kinakaharap dahil sa lumutang na isyu.
Ang piyansa mula sa Federal Insurance Co, na bahagi ng insurer na Chubb, ay sasakop sa $83.3-milyong hatol pabor kay Carroll kung sakaling matalo si Trump sa kanyang apela nu'ng Enero 26 at tumangging magbayad.
Habang nagpapatuloy ang proseso sa apela ni Trump, hindi muna maaaring kuhanin ni Carroll ang perang ibinayad nito sa kaso.
Matatandaang ang apela ay nagmula sa konklusyon ng isang jury na guilty si Trump sa defamation dahil sa pagtangging hinalay niya si Carroll nu'ng dekada '90 sa isang fitting room ng Bergdorf Goodman department store sa Manhattan.