ni Angela Fernando @News | May 31, 2024
Si Donald Trump ang naging unang pangulo ng United States na nahatulan ng krimen nu'ng Huwebes nang ideklara siya ng isang jury sa New York na nagkasala sa pamemeke ng mga dokumento upang pagtakpan ang kaso ng hush money sa isang porn star bago ang halalan nu'ng 2016.
Inanunsyo ng 12 na miyembro ng jury pagkatapos ng dalawang araw na deliberasyon na napatunayang nagkasala si Trump sa lahat ng 34 na kasong kanyang kinakaharap.
Itinakda ni Justice Juan Merchan ang pagbibigay-sentensiya sa Hulyo 11, tatlong araw bago magsimula ang Republican National Convention kung saan inaasahang pormal na iimbitahan si Trump bilang kandidato sa pagkapangulo.
Nagpasalamat naman si Merchan sa mga hurado sa kanilang paglilingkod.
Samantala, itinanggi ni Trump ang pagkakasala at inaasahang aapela.