ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 24, 2024
Photo: Kamala Harris at Donald Trump - Rick Bowmer / Associated Press
Nakaboto na ang milyun-milyong botante sa United States, habang hinahanap ni Democratic candidate Kamala Harris ang suporta ng mga undecided voters sa isang town hall sa Pennsylvania, na kasabay naman ng pangangampanya ni Republican Donald Trump sa Georgia.
Halos 25 milyong botante na ang bumoto, alinman sa personal o sa pamamagitan ng mail, ayon sa Election Lab ng University of Florida.
Kabilang ang Pennsylvania at Georgia sa pitong battleground states na magpapasya sa halalan sa pagkapangulo, kung saan nakatuon ang mga kampanya ng parehong kandidato.
Mayroon si Harris ng bahagyang 46% na kalamangan laban sa dating presidenteng si Trump na may 43% sa pinakahuling Reuters/Ipsos poll.