by Angela Fernando @Overseas News | Jan. 11, 2025
Photo: Donald Trump - Suzanne Cordeiro / AFP
Hindi makukulong o haharap sa iba pang parusa si United States (US) President-elect Donald Trump kaugnay sa kasong kriminal na may kinalaman sa pagbabayad ng hush money sa isang porn star.
Ito ay ang naging desisyon ni Justice Juan Merchan nu'ng Biyernes.
Bagamat hindi na mabubura ng nalalapit na inagurasyon ni Trump sa Enero 20 ang hatol ng hurado, idiniin ng hukom na ang unconditional discharge para sa 78-anyos na si Trump ay nag-iwan na ng marka ng pagkakasala sa rekord nito.
Si Trump ang kauna-unahang presidente ng U.S. na uupo sa puwesto habang may hatol sa kasong felony.
Paglilinaw ni Merchan, pinili niyang bigyan ng hatol na walang kulong, multa, o probation si Trump dahil sa proteksyong ibinibigay ng U.S. Constitution sa mga pangulo laban sa criminal prosecution.