ni Lolet Abania | May 17, 2022
Iniurong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang muling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach mula sa dating Mayo 20 ay ginawang Hunyo 3, 2022.
Batay sa ulat, ipinagpaliban ng DENR ang reopening nito ng dalawang linggo dahil sa ilang imprastruktura ang hindi pa natatapos sa lugar.
Gayundin ayon sa report, kailangan pa ring linisin ang lugar na malapit sa US Embassy sa Manila. Bukod dito, sinabi ng DENR na nais tiyakin ng ahensiya ang kalinisan at kaligtasan ng tubig sa Manila Bay bago ang muling pagbubukas nito.
Matatandaang unang binuksan ang dolomite beach sa publiko noong Setyembre 2022. Maraming mga environmental groups ang bumatikos sa naturang proyekto dahil anila, sa epektong idudulot sa kalusugan ng crushed dolomite na ginamit bilang “white sands.”
Subalit, dinepensahan ng DENR ang kanilang Manila Baywalk Dolomite Beach, paliwanag ng ahensiya kinonsulta nila ang mga concerned agencies at mga eksperto kaugnay sa naturang proyekto.