ni BRT @News | September 14, 2023
Inanunsyo kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan ng Central Visayas Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) ang P33 na dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa pribadong establisimyento.
Tataas na ang arawang minimum wage sa Class A hanggang Class C areas sa P420 hanggang P468 para sa non-agriculture establishments at P415 hanggang P458 naman para sa agriculture at non-agriculture establishments na mayroong mas mababa sa 10 manggagawa.
Inaasahang nasa 346,946 minimum wage workers sa rehiyon ang makikinabang sa wage hike.
Inaprubahan ang wage order noong Setyembre 12 at magiging epektibo sa Oktubre 1, 2023.