ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 27, 2021
Hindi pa kasama sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan ang mga edad 12 hanggang 15 dahil sa limitadong suplay ng bakuna, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, habang pinag-aaralan pa ang pagbabakuna sa mga kabataan, nananatiling ang mga health workers, senior citizens at persons with comorbidities ang prayoridad ng pamahalaan.
Saad pa ni Duque, “We cannot include them yet [in the vaccination drive] because our supply of vaccines is limited and they are not included in the high-risk group.
“We need to follow our prioritization formula. We cannot deviate because if you expand the coverage to more individuals, we cannot achieve the protection needed by the most vulnerable groups.”
Samantala, pinag-aaralan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay ng emergency use authorization sa pagturok ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa mga edad 12 hanggang 15.