top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 30, 2023




Iniulat ng Department of Health (DOH) na may 11 na bagong kaso ng mga disgrasya na kaugnay ng paputok ngayong Sabado, na nagdadala ng kabuuang bilang sa 107.


Ayon sa DOH, sa 11 ulat na bagong kaso, anim dito ang kaugnay ng ilegal na mga paputok, kabilang na ang boga, five star, piccolo, Pla-pla, at whistle bomb.


Nasa edad na 6 hanggang 72 taon ang mga biktima.


Nagpakita ang pinakabagong ulat ng DOH na sa kabuuang kaso, 97% ng mga insidente ang nangyari sa bahay o sa malapit na kalsada at 63.59% ng mga kaso ang kaugnay ng ilegal na mga paputok.


“Ang mga pinsalang nauugnay sa paputok ay nangyayari sa bahay o kalapit nito, kadalasang kinasasangkutan ng mga batang lalaki, ngunit nakakaapekto rin sa mga passive na nanonood lamang sa anumang edad o kasarian,” saad sa ulat ng DOH.


Nanawagan namang muli ang DOH sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok sa bahay.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 24, 2023




Iniulat ng Department of Health (DOH) ang apat na bagong disgrasya kaugnay ng paputok ngayong Linggo, na nagdadala ng kabuuang bilang sa 12 nitong holiday season.


Ayon sa Fireworks-Related Injury Surveillance (FWRI), dalawang batang lalaki na may edad na 11 at 17 ang nagkaroon ng pinsala mula sa paggamit ng ipinagbabawal na paputok na tinatawag na "piccolo at boga."


Naitala rin ang dalawa pang kaso, isang 23-anyos na lalaki at isang 49-anyos na babae na gumamit ng "kwitis."


Kaya’t patuloy na hinihimok ng DOH ang publiko na ipagdiwang ang mga holiday gamit ang mga pampublikong fireworks display na inoorganisa ng lokal na mga lider at negosyo sa halip na gamitin ang mga ito nang personal.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 23, 2023




Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) sa mga magulang na pigilan ang kanilang mga anak sa paggamit ng paputok matapos tumaas ang bilang ng bagong kaso ng disgrasya kaugnay ng paputok ilang araw bago ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.


Ayon sa ulat ng DOH, apat na karagdagang kaso ang naitala mula Disyembre 22 hanggang 23. Nagdulot ito ng kabuuang bilang ng nasaktan na umabot sa walong indibidwal.


"The new cases are all boys aged 8 to 12 years, who were victims of both illegal (3) and legal (1) fireworks," ayon sa ahensya ngayong Sabado ng umaga.


"Of the total number of cases, the fireworks involved are Boga (3), Piccolo (2), 5-star (1), Baby Dynamite (1), and Goodbye Philippines (1)," dagdag pa nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page