ni Jasmin Joy Evangelista | December 9, 2021
Natagpuan na ng Department of Health ang isa sa walong travelers mula South Africa.
Ito ay kasalukuyang naka-home quarantine at negatibo sa RT-PCR test.
"The located ROF (returning overseas Filipino) is currently in home quarantine, with negative RT-PCR test, and no symptoms,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nauna nang sinabi ng DOH na ang unlocated travelers ay kabilang sa 253 indibidwal na dumating sa bansa noong Nobyembre 15 hanggang 29.
Sinabi rin ni Vergeire na patuloy pang hinahanap ang pitong ROF mula South Africa.
Tatlo rito ay ibinigay ang contact number ng kanilang ahensiya.
Ang isa naman ay mali ang contact number na ibinigay habang ang isa pa ay kulang ang numerong inilagay.
Ang dalawa pang traveler ay hindi naman ma-contact.
Ayon pa kay Vergeire, posibleng maparusahan sa ilalim ng Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. ang mga ito dahil sa paglalagay ng maling contact information sa health declaration form.
“‘Yung health declaration forms, once we sign it, we attest it to be true," pahayag niya.
"We are continuously getting in touch with our local government units and other partners to be able to contact these individuals," dagdag pa niya.