ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 6, 2024
Iniulat ng Department of Health (DOH) ang siyam na bagong kaso ng pinsala na dulot ng paputok, na naitala mula alas-6 ng umaga noong Enero 5 hanggang alas-5:59 ng umaga ngayong Enero 6.
Nagdadala ito ng kabuuang bilang ng mga nadisgrasya sa 609 habang patapos na ang pag-mo-monitor ng DOH para sa fireworks season noong 2023.
Pinaalam rin ng ahensya na ang pinakabagong mga kaso, na may median age na 25, ay nagmumula sa walong taong gulang hanggang 55 taong gulang, kung saan kalalakihan ang 67 porsyento.
Binigyang-diin naman ng DOH na maaaring magkaroon ng karagdagang mga kaso na iuulat sa loob ng araw at kinukumpirma pa ang mga pinsalang dulot ng ligaw na bala (Stray Bullet Injuries o SBIs), na maaaring magdulot ng pagbabago ng kabuuang bilang sa mga susunod na araw.