ni Lolet Abania | May 16, 2022
Wala pang indikasyon na mayroon nang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa bansa, bagama’t nananatiling “posible” na tamaan nito ang kahit sino, ayon sa infectious disease expert.
“Sa ngayon walang indication ‘yan kasi -- I mean it’s possible lalo na ang bilis manghawa ng Omicron,” sabi ni Dr. Edsel Salvana sa Laging Handa briefing ngayong Lunes.
“But usually para masabi namin na meron nang local transmission, lalo na ‘yung tinatawag na sustained local transmission, tinitingnan natin ‘yung transmission chains niyan at makikita natin kung matre-trace ba natin,” ani pa niya.
Ayon kay Salvana, na miyembro ng Department of Health-Technical Advisory Group, ang 12 kaso ng BA.2.12.1 sa Palawan ay malinaw na single cluster habang ang dalawang kaso sa Metro Manila ay iniimbestigahan pa rin.
“Sa ngayon pinag-aaralan pa po ‘yan, but it’s always safer to assume na nandiyan na ‘yan kaya kinakailangan po patuloy ‘yung pag-iingat natin,” giit ni Salvana. Sinabi rin ng opisyal na ang mga bagong kaso ng Omicron subvariant ay nakaranas ng mild symptoms habang ang mga iba ay asymptomatic.
“Truthfully, itong mga bagong cases ng BA.2.12.1 ay puro mild cases. In most cases nga asymtomatic. Kaya alam natin bagama’t kinakailangan talaga we remain vigilant, ‘yung vaccines continue to protect us,” saad ni Salvana.