top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | May 4, 2024




Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na umabot na sa 77 ang bilang ng mga kaso ng mga sakit na nauugnay sa init ngayong taon, kasama na ang mga posibleng pagkamatay dahil sa mainit na panahon.


Sa kabuuang 77 na kaso, pito ang iniulat na mga namatay, bagaman itinuturing ang mga ito na "non-conclusive for heat stroke" dahil sa kulang na datos.


Sinabi ng DOH na maaaring nauugnay sa init ang mga pagkamatay na ito, kabilang ang heat stroke, malaking posibilidad ng atake sa puso, na nagresulta ng mataas na presyon ng dugo dulot ng mainit na kapaligiran.


Sinabi ng DOH na sa mga nakaraang taon, noong 2023 naitala ang pinakamaraming bilang ng mga kaso ng sakit na nauugnay sa init, na may kabuuang bilang na 513 kaso.uCor na 618 PDLs ang kanilang pinalaya.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 23, 2024




Isasailalim ng Department of Health (DOH) sa 'Code White Alert' ang mga ospital bilang paghahanda sa pagdami ng mga babiyahe sa Holy Week ngayong taon.


Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na magsisimula na ang Code White Alert sa Marso 24, Palm Sunday, at magtatapos sa Marso 31, Easter Sunday.


Sa pagpapatupad ng Code White Alert, ilalagay ang mga medical personnel at staff sa standby para sa agarang pagtanggap at paggamot sa mga darating na pasyente sa mga ospital.


"The DOH family joins all Filipino families in the solemn and healthy observance of Holy Week 2024. Following instructions of President Marcos, hospitals are now on Code White Alert, always ready to care for patients in the event of any medical crisis," pahayag ni Health Secretary Ted Herbosa.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 20, 2024




Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Miyerkules, na naglabas na ito ng higit sa P91 bilyon para sa mga benepisyo ng mga healthcare workers mula 2021 hanggang 2023.


Inihayag ng DBM na inilabas nila ang P91.282 bilyon sa Department of Health (DOH) para sa mga Public Health Emergency Benefits and Allowances (Pheba).


Sa isang liham ng DBM sa DOH, sinabi ng budget department na kasama sa kabuuang halaga ang:


–P73.26 bilyon para sa Health Emergency Allowance (HEA) o One COVID-19 Allowance

–P12.90 bilyon para sa Special Risk Allowance

–P3.65 bilyon para sa COVID-19 Sickness and Death Compensation

–P1.4 bilyon para sa iba pang mga benepisyo, tulad ng allowance para sa pagkain at transportasyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page