ni Lolet Abania | June 7, 2022
Nasa tinatayang 300,000 COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ang nakatakdang dumating sa Hunyo 20, bilang kapalit sa mga expired doses ng bansa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.
“We are still ongoing with our negotiations with them but by June 20, may initial na tayong replacements coming from COVAX and this will be worth 300,000 vaccines,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing.
“So tapos sa mga susunod pa na negosasyon may mga madadagdag pa na papalitan nila,” dagdag ng opisyal. Una nang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ilang 3.6 milyong expired COVID-19 vaccine doses ay nakatakdang palitan ng COVAX Facility.
Ayon kay Duque, nakipag-usap na sila sa mga COVAX representatives at hiniling sa mga ito na i-replace hindi lamang ang mga donasyong vaccine na malapit nang mag-expire kundi pati na rin ang mga na-procure na ng bansa.