ni Lolet Abania | June 18, 2022
Posibleng umabot sa 800 hanggang 1,200 kada araw ang maitatalang COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Hunyo, kung ang pinakabagong serye ng pagtaas nito ay napapanatili, ayon sa Department of Health ngayong Sabado.
“Ang meron tayo, projections that by the end of June, maaari na aabot tayo to 800 to 1,200 cases per day kung magtutuloy-tuloy ang mga kaso natin sa ngayon,” sabi ni DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.
“These projections are not cast in stone. These are just used for us to prepare,” giit niya. Subalit, iba ang pananaw ni Vergeire sa tinuran ni DOH Secretary Francisco Duque III nitong Biyernes, kung saan sinabi ni Duque na inaasahan niya ang posible aniyang, “minor and short-lived COVID-19 surge.”
“Let us not call it a surge. When you talk about a surge, it is a sudden increase in the number of cases,” paliwanag ni Vergeire.
“If we look at it, just like what I said, yes it is increasing but it is not sudden and the additional cases are not that numerous,” pahayag ni Vergeire sa pinaghalong Ingles at Filipino.