top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 21, 2024



Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Isang Health worker sa mpox treatment centre sa Munigi, eastern Democratic Republic sa Congo. Photo: Moses Sawasawa / AP

Inihayag ng World Health Organization nitong Martes hindi maihahalintulad ang paglaganap ng mpox sa COVID-19, dahil marami nang nalalaman tungkol sa virus at sa mga paraan upang kontrolin ito.


Bagaman kinakailangan pa ng higit na pananaliksik sa Clade 1b strain na nag-udyok sa UN agency na ideklara itong global public health emergency, sinabi ni Hans Kluge, direktor ng WHO sa Europe, na maaaring mapigilan ang pagkalat ng mpox.


Mpox - NICD

"Mpox is not the new COVID," aniya. "We know how to control mpox. And, in the European region, the steps needed to eliminate its transmission altogether," pahayag niya sa media briefing sa Geneva, via video-link.


Noong Hulyo 2022, idineklara ng WHO ang isang emergency dahil sa pandaigdigang paglaganap ng Clade 2b strain ng mpox, na mas nakaapekto sa mga kalalakihan na may sekswal na relasyon sa kapwa kalalakihan. Tinanggal naman ang alarma noong Mayo 2023.

 
 

ni Eli San Miguel @News | May 15, 2024


Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, laban sa "false video" na gumagamit ng larawan at pangalan ni DOH Secretary Teodoro J. Herbosa.


Sa isang pahayag, nilinaw ng DOH na walang katotohanan ang anumang alegasyon na binanggit sa video at edited umano ang ipinakitang panayam sa opisyal.


Inihayag din ng ahensya na maaari silang magsampa ng kaso kung magpapatuloy pa rin ang naturang post.


"The DOH continues to enjoin the public to source information only from legitimate sources and platforms such as the health department, which can be accessed through the links and social media handles below," anang DOH.




 
 
  • BULGAR
  • May 7, 2024

ni Eli San Miguel @News | May 7, 2024




Iniulat ng Department of Health (DOH) ang mahigit sa 2,000 na kaso ng tigdas sa buong bansa.


Ipinakita ng pinakabagong datos mula sa DOH na mayroong 2,264 na kaso na iniulat hanggang ika-27 ng Abril, isang pagtaas na 39 porsyento kumpara sa 1,627 na naitala noong ika-6 ng Abril.


Base sa DOH, nasa pinakamataas na panganib sa tigdas ang mga bata na wala pang 10 taong gulang.


Isang nakakahawang sakit ang tigdas. Kumakalat ito sa hangin mula sa mga taong may tigdas, na kadalasan sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page