ni Lolet Abania | August 9, 2021
Umabot na sa 13 rehiyon mula sa 17 rehiyon sa buong bansa ang tinamaan ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).
“Local Delta cases have been detected in 13 out of our 17 regions in the country,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa briefing ngayong Lunes.
Dagdag niya, nasa 355 mula sa 450 Delta variant cases ay local, 69 ay returning overseas Filipinos (ROFs), at 26 ay bineberipika pa.
Ang mga local cases na nai-record sa mga lugar ay Metro Manila - 146 cases; Cordillera region - 1 case; Region 1 - 5 cases; Region 2 - 1 case; Region 3 - 39 cases; Region 4A - 47 cases; Region 5 - 1 case; Region 6 - 36 cases; Region 7 - 37 cases; Region 8 - 11 cases; Region 9 - 3 cases; Region 10 - 22 cases; Region 11 - 6 cases.
Inihayag din ni Vergeire na 35 Delta variant cases ay nakumpirmang fully vaccinated na kontra-COVID-19; 17 ang nakatanggap ng unang dose; 83 ay hindi bakunado at 315 ay bineberipika pa.
Umabot naman sa 55 porsiyento o 248 na kaso ay mga lalaki, habang aniya, ang edad ng Delta variant cases ay nasa pagitan ng less than 1-year-old hanggang 84-anyos.
Nakapagtala rin ang DOH ng isang dagdag na nasawi sa Delta variant, subalit hindi na nagbigay pa ng detalye ang ahensiya.
“Among the 450 Delta variant cases in our country, 426 have recovered, 10 have died, while 13 remain to be active after validation and repeat RT-PCR… The outcome of one case is still being verified,” sabi ni Vergeire.
Gayundin, ang Pilipinas ay muling na-classify bilang isang high-risk area sa COVID-19 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng virus.