top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 9, 2024




Umabot na sa higit sa 1,000 ang mga kaso ng nakakahawang sakit na 'pertussis' sa bansa, sa loob pa lamang ng tatlong buwan ngayong 2024, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes.


Nagpapakita ang pinakabagong datos ng DOH ng kabuuang 1,112 kaso na naitala sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Marso 30, 2024.


Itinuturing itong 34 na beses na mas mataas kaysa sa 32 na kaso na naitala noong parehong panahon ng nakaraang taon.


May 54 katao na rin ang namatay ngayong taon dahil sa pertussis.


Sa kabuuang bilang ng mga kaso ng pertussis na naitala hanggang ngayon, 77% ang mga bata na mas mababa sa 5 taong gulang. Samantala, nagreresulta lamang ang mga matatanda na may edad na 20 pataas sa 4% ng mga kaso.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 29, 2023




Isinusulong ng Department of Health (DOH) na gawing mas accessible at maayos ang serbisyong pangkalusugan sa masang Pinoy sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Law.


Naglabas ng pahayag nitong Huwebes ang Presidential Communications Office (PCO) at sinabing nakatuon si Health Secretary Teodoro Herbosa sa UHC Law sa kanyang unang 100 araw sa opisina.


Saad ni Herbosa, dapat ay ramdam ng bawat Pilipino ang UHC.


Matatandaang kinumpirma ni Herbosa na aprubado ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagbuo sa coordinating council para sa pagpapatupad ng UHC nu'ng Oktubre.


Tiniyak naman sa landmark law na lahat ng Pinoy ay may parehong access sa kalidad at abot-kayang mga kalakal at serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan nu'ng ipinasa ito ng taong 2019.


Sa ilalim ng nasabing batas, pasok ang lahat ng Pinoy sa National Health Insurance Program bilang may kapasidad na makapagbayad ng mga kalidad at mga 'di direktang contributor na suportado ng pamahalaan tulad ng mga senior citizens at mga nasa laylayan.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 29, 2021




Nakapagtala ang Philippine Genome Center (PGC) ng karagdagang COVID-19 variants, batay sa inilabas na report ng Department of Health (DOH).


Ayon sa datos, may isang nadagdag sa Indian variant, habang 104 naman ang nadagdag sa UK variant at 137 sa South African variant. Samantala, apat naman ang nadagdag sa P.3 variant.


Sa ngayon ay pumalo na ang kabuuang bilang ng Indian variant sa 13, habang 1,071 naman ang UK variant at 1,246 sa South African variant. Ang P.3 variant nama’y umabot na sa 162.


Sabi pa ng DOH, “The UP-PGC and UP-NIH (National Institutes of Health) have sequenced a total of 7,547 COVID-19-positive samples. Of these 2,494 have variants being closely monitored by DOH, only 26 cases remaining active.”


Dagdag nila, “DOH reiterates the need for strict adherence to MPHS (Minimum Public Health Standards), and early detection and isolation of cases to minimize transmission of COVID-19 and further prevent the emergence of new variants.”


Sa ngayon ay 7,443 ang nagpositibo sa COVID-19. Tinataya namang 7,533 ang mga gumaling at 156 ang pumanaw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page