top of page
Search

ni Mabel Vieron @Life & Style | April 30, 2024



File photo of cat and dog - Madalyn Cox

Ngayong super init, maraming bagay ang kailangan nating ingatan at bantayan. Bukod sa madalas nangyayari ang sunog, mas mataas din ang kaso ng rabies sa ganitong panahon kung saan iritang-irita ang ating mga alagang hayop, partikular na ang mga aso at pusa.


Tuwing summer talaga maraming nakakalmot o nakakagat ng aso at pusa, kahit pa na sabihing alaga natin ito dahil marami sa mga ito ay aburido o wala sa tamang kondisyon kaya hindi dapat basta kulitin o harutin.


Kaugnay nito, narito ang ilan sa mga paraan upang mapanatiling kalmado at stress-free ang ating mga alagang hayop:


1. HUWAG KALIMUTAN PAINUMIN NG TUBIG. Tulad ng tao, kailangan din ng mga hayop na maging hydrated nang sa gayun hindi sila madaling mairita. Huwag kakalimutan na maglagay ng sapat na tubig o ice cube sa kanilang inumin upang matiyak natin na presko ang kanilang pakiramdam anumang oras. 


2. HUWAG KALIMUTANG MAKIPAG-BONDING. Ang mga alaga nating hayop ay parang tao rin na kailangan ng oras, kaya as a fur parents huwag natin kakalimutan na makipag-bonding sa kanila. Isa pa, magandang paraan ito para mapanatili ang kanilang magandang mood at attitude.


3. SIGURADUHING REGULAR ANG GROOMING. Bagama’t may kakayahang makapaglinis ng sariling katawan ang mga alaga nating hayop, kailangan pa rin natin na masiguro ang kanilang grooming, tulad ng regular na pagputol ng mga kuko, pagpapaligo, pag-trim ng balahibo at iba pa.


4. BANTAYAN ANG SINTOMAS NG HEAT STROKE. Hindi lamang tao ang maaaring makaranas ng heat stroke, kundi maging ang mga alaga nating hayop. Nangyayari ang heat stroke sa mga pet kapag naisawalambahala o hindi agad napansin ang mga senyales. Ang ilan sa mga sintomas nito ay sobrang pagkahingal, mabilis na tibok ng puso, pagsusuka o diarrhea, pagkawala ng malay at iba pa. Kapag napansin ang ilan sa mga sumusunod ay pumunta agad sa beterinaryo.


Natural lang na mairita o mawala sa mood ang mga pet. Kaya bilang pet owner, kailangan alam natin ang mga dapat gawin para ‘di rin sila ma-trigger. Oki? 


 
 

ni Lolet Abania | March 1, 2021




Magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng isang anti-rabies vaccination drive sa mga high-risk area dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso nito sa lungsod.


Pangungunahan ang vaccination drive ng City Veterinary Department ng Quezon City government na inisyal na ipatutupad sa District 1, kung saan nakapagtala ng limang kaso ngayon lamang buwan, kabilang ang isang namatay matapos na makagat ng aso.


Matatandaang nagpatupad na ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng panghuhuli ng mga stray dogs at iba pang nakakalat na mga hayop sa buong lungsod.


 
 

ni Lolet Abania | October 30, 2020




Isang K-9 service company mula sa San Jose, Antipolo City ang nagsasanay ng mga aso at hinahasa ang abilidad ng mga ito para matukoy ang mga taong nagpositibo sa COVID-19.


Ayon kay Ryia Tabares ng Universal K-9 Training and Services, 10 aso ang kanilang tine-train sa nakalipas na apat na buwan upang ma-detect ang isang indibidwal na nag-positive sa test sa Coronavirus.


“This time sa COVID, i-imprint ‘yung COVID-19 na specimen. Ang ginamit namin na specimen is from COVID-19 patients na nag-positive. Kinuha namin ‘yung face mask nila, ‘yung laway nila and also ‘yung mga damit nila na may pawis nila,” sabi ni Tabares. “So far ‘yun pa lang ‘yung nade-detect namin ‘yung kukunin ‘yung mask nila, ‘yung sweat nila pero later on, ideally ang gusto namin, dadaan lang ‘yung tao, alam na natin kung may COVID-19,” dagdag niya.


Samantala, ang mga bansa tulad ng Finland, Germany, Iran at France ay nagsimula na ring magsanay ng mga aso para ma-detect ang mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.


Ayon naman kay Gerry Tabares Jr., isa sa mga kawani ng nasabing kumpanya, nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Antipolo para sa isasagawang demonstration sa mga asong sinanay at hinasa para matukoy ang mga infected ng virus.


“Significant ‘yung accuracy nila, 96% — that’s based sa ibang bansa. Kaya kami, with the help of Antipolo government, ‘yun ang gusto naming mangyari na we could gather data para ma-prove din natin ‘yung mga aso natin na maging mataas ang accuracy rate,” sabi ni Tabares Jr..

 
 
RECOMMENDED
bottom of page