top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 22, 2024




Nilagdaan noong Huwebes ang bagong patakaran para sa 5% discount sa mga mahahalagang item at produkto para sa mga PWDs at seniors, na nagtataas ng limit sa kanilang weekly grocery discount mula sa P65 hanggang P125 simula sa susunod na linggo.


Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI), isa sa tatlong ahensyang magbabantay sa pagpapatupad ng mga narebyung patakaran, ang pagsasagawa ng bagong joint administrative order na ilalathala sa Lunes, Marso 25.


Kapag nailathala na ito, agad itong magiging epektibo.


Bukod sa DTI, kabilang pa sa mga lumagda ang Department of Agriculture (DA) at Department of Energy (DOE).


Nakasaad sa Price Act ang saklaw ng mga produktong magkakaroon ng discount.


 
 

ni Lolet Abania | June 18, 2022



Pinutol pansamantala ng Manila Electric Company (Meralco) ang suplay ng kuryente sa mahigit isang milyong customers nito ngayong Sabado, habang ang Luzon power grid ay inilagay sa red alert.


Sa isang advisory, ayon sa Department of Energy (DOE), alas-2:45 ng hapon ay isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa red alert, na ang ibig sabihin ay nakaranas ng kakulangan sa power supply na maaaring humantong sa pagkakaroon ng power interruptions dahil sa tinatawag na “generation deficiency.”


Ito ang nag-trigger ayon sa DOE, para makaranas ng power interruption sa mga franchise areas ng Meralco at iba pang distribution utilities sa Luzon.


Sa hiwalay na advisory, sinabi ng Meralco na nagpatupad sila ng automatic load dropping (ALD), isang safety procedure kung saan ang kuryente o power ay kanilang pinutol sa mga certain areas dahil sa napakababang suplay nito nang mas maaga pa ng alas-1:53 ng hapon.


“This was due to the decrease of an approximate 1,200 megawatts in Meralco’s load affecting around 1.6 million customers in portions of Caloocan, Valenzuela, Malabon, Manila, Makati, Muntinlupa, Las Piñas, in Metro Manila; as well as parts of Bulacan, Rizal, Laguna and Cavite,” saad ng Meralco. Gayunman sinabi ng Meralco, “the power was fully restored by 2:11 p.m.”


Ayon naman sa DOE, “a report by the NGCP stated that the Hermosa-BCCP 230 kilovolt lines 1 and 2 tripped and isolated the Bataan Plants, resulting in ALD at Meralco and NGCP feeders at 1:53 p.m.” Ani pa ng ahensiya na ang mga apektadong ALD feeders mula sa Meralco at ang NGCP ay nai-restore ng alas-2:11 ng hapon at alas-2:30 ng hapon, ayon sa pagkakasunod.


“This prompted the DOE to instruct the NGCP to immediately resolve the transmission line issues, submit to the DOE the list of affected customers that experienced power interruption, and explain the details of the incident,” pahayag ng DOE.


“The DOE has also initiated its coordination with the Energy Regulatory Commission in addressing this matter,” dagdag ng ahensiya.


 
 

ni Lolet Abania | May 7, 2022



Tiniyak ng Department of Energy (DOE) sa publiko na walang mangyayaring problema sa power supply sa araw ng eleksyon sa Lunes, Mayo 9, 2022.


Sa isang interview ngayong Sabado, sinabi ni DOE-Electric Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan na ang ahensiya ay nagsimula nang mag-monitor sa sitwasyon ng kuryente sa bansa nitong Mayo 2 para masigurong matatag at maaasahan ang suplay nito sa panahon ng eleksyon.


“So far, wala tayong nakikitang mga problema o potensyal na problema pagdating sa serbisyo ng kuryente lalong na sa eleksyon,” ani Marasigan.


Ayon sa opisyal, ang DOE ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa grid operator, National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), mga power generation companies, at distribution utilities sa pagmo-monitor ng power situation nang 24 oras simula noong Mayo 2.


Binanggit naman ni Marasigan na nitong Biyernes, ang bansa ay nakapagrehistro ng kanilang pinakamalaking suplay ng kuryente para sa taon ng mahigit sa 14,000 megawatts (MW) kumpara sa demand nito na tinatayang 11,500 MW.


Sinabi pa ni Marasigan na ang Energy Task Force on Election ng DOE ay mayroong security group component, katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG), upang i-secure ang mga power facilities sa mga lugar na tinukoy ng Commission on Elections (Comelec) bilang potential danger zones.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page