ni Thea Janica Teh | November 24, 2020
Pinaalalahanan ni Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng mga pumupunta sa simbahan at mamimili na sumunod pa rin sa minimum health standards ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.
Pinapayagan na ngayon ang pagdaraos ng misa o samba ngunit limitadong tao lamang ang maaaring makadalo. Ang sinumang lalabag sa health protocol at mamumuno sa malalaking pagtitipon ay agad na kakasuhan.
Kamakailan ay nakatanggap si Moreno ng ilang mga litratong nagpapakita na nagsisiksikan na at wala nang physical distancing ang mga mamimili sa Divisoria, kaya magpapaikot ito ng mga barangay officials at pulis upang masiguro na masusunod pa rin ang mga health protocols.
Samantala, pinailawan na ang Christmas tree sa labas ng Manila City Hall at nagkaroon na rin ng lighting ceremony sa Rizal Park at Intramuros.