ni Mary Gutierrez Almirañez | March 8, 2021
Nagsimula na ng operasyon ang DITO Telecommunity Corporation bilang pangatlong telecommunication provider sa bansa ngayong araw, Marso 8.
Ayon kay Chief Administrative Officer Adel Tamano, labinglimang bayan pa lamang sa Metro Cebu at Metro Davao ang nasasakop ng kanilang serbisyo, habang sa Metro Manila naman ay ilang linggo pa umano ang kailangang hintayin bago sila makapagbigay-serbisyo.
Aniya, "The answer that we will tell you is we will be here in NCR in a few weeks. Medyo maghintay-hintay lang, Dito will be in NCR very soon."
Kaugnay nito, sinimulan na rin nila ang pagbebenta sa mga SIM cards na may prefixes digits na 0991, 0992, 0993, 0994, 0898, 089, 0896, at 0895.