top of page
Search

ni Lolet Abania | May 20, 2022



Isang buhawi ang tumama sa Barangay Buenavista Uno sa General Trias, Cavite nitong Huwebes ng hapon, ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).


Ilang residente ng lugar ang kumuha pa ng video, kung saan makikitang nagdilim ang kalangitan habang ang mga yero at dahon ay nililipad nang paikut-ikot ng malakas na hangin na may kasamang ulan. Sumiklab pa anila, ang isang poste ng kuryente matapos na dumikit ang isang yero sa kawad nito.


Gayundin, ayon pa sa mga nakasaksi, sumasayaw ang mga sanga ng puno sa tindi ng lakas ng hangin, habang may biglang lumalagapak umano sa ibaba.


Sa inisyal na record ng CDRRMO, ilang tirahan ang pinsala dahil sa buhawi. Gayundin, may naiulat na nasaktan sanhi ng mga nagliparang bagay.


“Natuklap ‘yung mga bubong, tapos ‘yung mga shanty ay mayroong ilan-ilan na nagiba, at pati ‘yung mga puno ay nabuwal dahil sa lakas nitong buhawi,” pahayag ni Fernando Olimpo, officer-in-charge ng General Trias CDRRMO.


Ayon kay Olimpo, bumuhos muna ang malakas na ulan sa kanilang lugar nitong Huwebes ng hapon bago tuluyang nabuo ang buhawi.


“Doon nagsimula sa Barangay Buenavista Uno, then nag-cross siya ng ilog tapos dumiretso sa Barangay Santiago,” saad ni Olimpo. Inaalam na rin ng mga awtoridad ang mga napinsalang kabahayan sa lugar.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 27, 2021




Aabot sa limang katao ang namatay matapos tumama ang matinding tornado sa northern Alabama noong Huwebes at bukod sa marami ang sugatan, marami ring kabahayan ang nasira.


Ang limang nasawi ay mula sa Ohatchee town, ayon sa Calhoun County Emergency Management Agency.


Ayon kay Calhoun County Coroner Pat Brown, 3 sa limang pumanaw ang magkakamag-anak matapos tamaan ng tornado ang kanilang bahay.


Sa Pelham, Alabama naman, 60 miles southwest ng Ohatchee, ayon kay Fire Chief Mike Reid, tinatayang aabot sa 60 kabahayan ang nasira at wala namang naiulat na pumanaw o sugatan sa insidente.


Samantala, patuloy pa rin ang pag-aayos ng awtoridad sa mga apektadong lugar dahil sa insidente.


 
 
  • BULGAR
  • Nov 15, 2020

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 15, 2020




Umakyat na sa 67 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa Bagyong Ulysses, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Mula umano sa Cagayan Valley ang 22 sa mga nasawi, 3 naman ang mula sa Central Luzon, 17 sa Calabarzon, 8 sa Bicol Province, 10 sa Cordillera Administrative Region, at ang iba pa at mula sa Metro Manila.


Ayon sa tala ng NDRRMC, 21 ang sugatan at 12 ang nawawala. Samantala, tinatayang aabot sa P1.19 billion agricultural losses at P270 million infrastructure damages ang idinulot ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa bansa, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.


Pahayag naman ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, "NDRRMC is working closely with all member-agencies. There is no discrepancy in the figures. The figures provided by the good DPWH is their agency's estimate of the possible damages to infrastructure incurred in all affected areas.


"The figures that NDRRMC reports po are the actual computed damages as reported by the NDRRMCs from their ongoing damage assessment.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page