top of page
Search

ni Cristine Marish Rivera (OJT) @Entertainment | Feb. 11, 2025



Photo: Marian Rivera at Dingdong Dantes - Instagram


Marian Rivera at Dingdong Dantes, reel to real. Paano? Got you, besh! Ang iniidolong couple ng karamihan, paano nga ba nagsimula? Sagot ko ‘yan, dito sa Reel to Real!


Pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang mag-asawang Dingdong at Marian, pero don’t get me wrong ha, ang ibig kong sabihin, sikat pa rin sila at idol ng karamihan kahit bilang mag-asawa.


Nagsimulang magkatrabaho ang dalawa sa remake ng Pinoy teleserye na “Marimar” noong 2007 at dito itinanghal sila bilang GMA’s Primetime King and Queen.


Photo: Dingdong at Marian - Instagram Marian Rivera-Dantes


Base sa ilang panayam noon ni Marian, hindi umano sila magkasundo ni Dingdong at nasusupladuhan ito sa aktor.


So, saan nagsimulang magbago ang lahat? Maraming nagsasabing nagsimula silang ma-develop pagkatapos ng Marimar, pero ang love story nila ay nag-umpisa talaga noong 2008 hanggang 2009 kung saan ginagawa nila ang “Dyesebel” at “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.”


Fast forward, February 2010, ibinunyag ng dalawa ang special relationship nila sa isang exclusive magazine cover. Matapos ang tatlong taon, sigurado na si Dingdong na si Marian ang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda. Nag-propose ang aktor kay Marian not once, but twice.



Sana all! Unang nag-propose si Dingdong sa Macau noong August 2012. Nangyari ito sa isang ‘Big Dome’ na puno ng butterflies na paborito pala ni Marian.


Sinundan naman ito ng pangalawang proposal sa show noon na “Marian” kung saan nag-propose si Dingdong live, sa harap ng audience na nakasubaybay sa palabas. And then, ikinasal ang dalawa noong December 30, 2014 sa Immaculate Conception Cathedral at binansagang “Wedding of the Year.”


Family of four na ang DongYan ngayon. November 2015 nang ipagkaloob sa kanila ang panganay na si Maria Letizia at sinundan naman ni Sixto noong April 2019.


Nitong nakaraang taon, ipinagdiwang ng mag-asawa ang 10th year wedding anniversary na sinabay rin ng pag-renew ng kanilang wedding vows.


Ibinahagi ni Dingdong ang larawan ni Marian na suot ang white dress at hawak ang bouquet ng puting bulaklak habang mangiyak-ngiyak itong naglalakad papunta sa altar.


Pinost din nila ang mga larawan sa nasabing ceremony kasama ang kanilang mga anak. Magmula pa man noon, inaabangan at kinakikiligan ang love story nila dahil sa mala-teleseryeng kuwento ng couple.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 21, 2024



Photo: Marian Rivera / IG


Sinamahan ni Dingdong Dantes ang asawang si Marian Rivera sa cinema tour to promote Balota sa SM North The Block at SM North IMAX Theater. 


Hindi nasamahan ni Dingdong sa naunang cinema tour schedule si Marian sa ibang mall, kaya bumawi siya sa SM North.


Nagpasalamat si Marian sa love at support ni Dingdong pati na kay Direk Kip Oebanda at sa mga moviegoers.


Sey ni Marian, “Grateful for an amazing day! Huge thanks to everyone who tuned in to Balota. To my husband, your unwavering support means the world to me. Direk Kip, I appreciate your trust and guidance, and to my management @allaccesstoartists.ph. Thank you for making everything possible today! Feeling truly blessed!”


Six malls ang inikot ni Marian noong October 19, at kahit saan siya magpunta, pinagkaguluhan. May nag-chant pa ng pangalan niya at title ng kanyang movie. Makikita rin sa video na lumapit sa mga takilyera si Marian at kinumusta ang ticket sales.


Napapalakpak ito sa sagot ng takilyera na marami ang nanood sa Balota.

Ipinost din ni Marian ang mga reviews ng moviegoers sa Balota, kasunod ang kanyang pasasalamat sa mga nanood at ‘good’ reviews. 


Para sa mga students at teachers, discounted ang tiket, magpakita lang ng valid ID.


 

BUMISITA si Sen. Bong Revilla sa puntod ng parents niya to share the good news na may doktora na sa pamilya nila. 


Ani Bong, “Daddy and Mommy are so happy in heaven. May apo na silang Doctora.”

Nabanggit ni Bong sa kanyang vlog na dream ng dad niya na magkaroon ng doctor sa kanyang mga anak, hindi lang nangyari. May son-in-law daw na doctor ang dad niya, kaya lang, pumasok din sa pulitika.


Kaya si Loudette Bautista Revilla ang first doctor in the family na ipinagsasaya ng buong pamilya. Kuwento ni Bong, si Loudette mismo ang nagbalita sa kanila na pumasa siya sa 2024 Physician Licensure Board Exams.


Happy din siyempre si Lani Mercado na nag-post ng, “To my youngest daughter, Dra. Dette Bautista, you have worked hard to get to where you are now. Praying that your wishes in life will come true. I love you always, Anak.”


Si Jolo Revilla nga, noong mag-graduate pa lang si Loudette, sinabi nang “I am sure that you are going to become one of the best doctors because this is something you always dreamt of doing.”


 

Ibang Manila, for sale na…

ROOM NI JED, PUNO NA NG KOLEKSIYON NG LABUBU DOLLS


Jed Madela

SO far, walang tatalo sa dami ng Labubu collection ni Jed Madela. May collection room na nga siya na punumpuno ng iba’t ibang klase at hugis ng Labubu. 


Sabi nito, kailangang i-organize ang collection room niya dahil wala nang space.

Siya ang isa sa mga una naming nakitang celebrities na may Labubu bag charmer sa kanyang bag. Hindi pa man ito masyadong uso, ginagawa na niya. April pa lang this year, may mga Labubu nang nakasabit sa kanyang bag.


Dahil yata sa wala nang space, ipinapa-auction ni Jed ang iba niyang dolls collection. Parang hindi Labubu dolls ang ipinapa-auction niya, na in fairness, ang gaganda rin. 


Ang saya lang na may bagong pinagkakaabalahan at pinagkakagastusan ang mga celebrities. Ang request ng mga fans, magsama-sama ang mga Labubu collectors, ipakita ang kanilang collection para malaman kung sino ang may pinakamarami at kung sino ang kumpleto ang koleksiyon. 


Handang magbayad ng entrance fee ang mga fans para lang matupad ang request nilang collab at display ng mga Labubu dolls.


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | June 13, 2024



File photo

“Nakakatawa,” ang maigsing pahayag ni Marian Rivera nang tanungin namin sa nakaraang launching niya bilang endorser ng Center for Advanced Dentistry kung ano ang reaksiyon niya sa mga isyu na ipinupukol sa pagsasama nila ng asawang si Dingdong Dantes. 


Kamakailan kasi ay na-link si Dingdong sa dating young star na si Lindsay de Vera at nabalita pa ngang may anak diumano ang dalawa. 


Idinenay naman ng Kapuso actor ang isyu at sinabing wala itong katotohanan lalo’t mahal niya ang asawa at mga anak. 


Hiningan din namin ng payo si Marian para sa isang matatag at matibay na pagsasama ng mag-asawa lalo’t magsa-sampung taon na silang kasal ni Dingdong at maikokonsidera na isa ang relasyon nila sa mga nananatiling matatag at matibay sa kabila ng ilang intriga at pagsubok na rin ang kanilang pinagdaanan.


Ayon kay Marian, wala siya sa posisyon kaya mahirap magbigay ng advice, pero isa lang ang sigurado niya, kailangang transparent ang mag-asawa sa isa’t isa at dito ay mananaig ang pagbibigay at pagtitiwala. 


Mawawalang saysay din daw ang lahat sa isang pagsasama kung ‘di magiging sentro ang Diyos.


Kabi-kabila rin ang mga awards na natatanggap ni Marian mula sa iba’t ibang award-giving bodies dahil sa tagumpay ng Rewind. Labis naman ang pasasalamat niya sa mga taong sumuporta at nanood ng pelikula. 


Katatapos lang gawin ni Marian ang Cinemalaya entry na Balota. Masaya at excited siya sa pinagbidahang indie film dahil dito niya nagawa ang lahat ng first time na hindi niya nagawa sa mga mainstream movies niya. 


Wala raw siyang makeup dito, iba ang mga linyahan na malayo sa mga dialogues niya sa mga nagawang pelikula at hindi siya nagpa-double sa mga action scenes kaya nagkasugat-sugat siya. 


At dahil sa magandang experience niya sa paggawa ng Balota, bukas siya uling gumawa ng pelikula sa Cinemalaya.


 

Aminado si Patrick Garcia na malaki ang nagbago sa kanya mula nang bumuo siya ng pamilya at maging ama. 


May anak si Patrick kay Jennylyn Mercado, si Jazz Alex, at may apat na silang anak ng asawang si Nikka Martinez. 


Ani Patrick, nabago ang pananaw niya mula nang maging ama. Mas pinagbubutihan daw niya ngayon ang pagtatrabaho para maging magaling na provider at maibigay ang best sa mga anak. 


Bukod sa showbiz, may business din si Patrick, ang Fine Gentleman na pagawaan ng mga suits, at isang barber shop. 


Samantala, ilang araw na nag-No. 1 sa Netflix ang pelikulang A Journey na pinagbidahan nina Patrick, Kaye Abad at Paolo Contis. Ikinagulat at ikinatuwa ni Patrick ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang movie. Masaya rin siya na nakatrabaho ang dating mga kasama sa Tabing Ilog na naging mga kaibigan na rin niya. 


Sa ngayon, naghihintay sa isang pelikula si Patrick na hindi niya alam kung mapapanood sa filmfest o Netflix.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page