top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 24, 2023





Inuudyok ni DILG Secretary Benjamin "Benhur" Abalos Jr. ang mga local chief executives (LCEs) na huwag maging "missing in action" (MIA) at manatili sa kanilang mga pinamumunuan sa panahon ng mga kalamidad.


Inilahad ni Abalos ang kanyang mensahe para sa mga LCEs sa Samar, lalo na sa gitna ng krisis sa rehiyon. Kasunod ito ng isang briefing sa Tacloban City na dinaluhan ni Pangulong Bongbong Marcos at mga miyembro ng Gabinete, kung saan tinalakay ang epekto ng shear line at low-pressure area na nagdudulot ng malawakang pagbaha sa Northern Samar at mga kalapit na lugar nito.


“This is enshrined in the DILG's Operation Listo Manual, LCEs must be present before, during and after any disaster,” aniya.


Binigyang diin din ni Abalos ang mahalagang pangangailangan ng pagkakaroon ng LCEs sa panahon ng mga paghihirap, dahil sila ang may responsibilidad na ipatupad at bantayan ang mga disaster response measures sa kanilang mga lugar.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 11, 2023




Naitala na tumaas na sa 1,484 ang bilang ng LGUs na mayroong fire stations, ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos ngayong Nobyembre 11.


Siniguro ni Abalos na mas pinagbuti nito ang paghahanda sa mga sunog at mga emergency sa mas marami pang LGUs sa buong bansa.


Sa loob ng mahigit isang taon mula Hulyo 2022, itinayo ang 72 na bagong fire stations, dahilan para maging 150 LGUs na lamang ang walang fire trucks at fire stations.


“Of the 150 LGUs, six have newly constructed buildings for operationalization, 16 are ongoing construction, and the remaining 128 LGUs are recommended for priority construction,’’ ayon sa DILG.


Sa kasalukuyan, mayroon ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng kabuuang 2,912 firetruck units na may iba't ibang water capacities, kabilang ang 465 na bagong 1,000-gallon trucks na nakuha sa bulk procurement mula noong 2022.


“With more fire stations and modern fire trucks, the response time of the firefighters in case of fire will be shortened from the standard seven minutes for every kilometer and about seven minutes per 2.5 kilometers in Metro Manila due to traffic congestion,” paliwanag ni Abalos.


Binigyang-diin ni Abalos na ang pagtatayo ng karagdagang fire stations at pagbili ng lifesaving equipments ay bahagi ng istratehikong hakbang tungo sa modernisasyon ng BFP.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 2, 2023




Magbibigay ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng hindi hihigit sa tatlong linggo bilang transition period para sa mga bagong halal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK).


Ipinaliwanag ni DILG Secretary Benjamin 'Benhur' Abalos Jr. na mahalaga ang itinakdang transition period dahil ito ang magtatakda ng pagkakaiba kung maaari o hindi agad magtatrabaho ang bagong mga opisyal.


“Ang transition period na binibigay natin ay three weeks. Napaka-importante na ma-turn-over sa mga bagong opisyal properly ang properties ng barangay. Ilang computer ‘yan, ilang kotse ’yan. Are they in good condition?’’ binanggit ni Abalos.


Upang tiyakin ang magaan na transisyon, inihayag ni Abalos ang paglalabas ng DILG Memorandum Circular (MC) No. 2023-166, na maaaring gamitin ng mga bagong-halal na opisyal ng SK at barangay bilang gabay bago at habang namamahala sila ng kanilang opisina.


“Likewise, outgoing barangay officials were instructed to submit the final inventory of the Barangay and SK properties, financial records, documents, and properties (PFRDs) and money accountabilities and to ensure turnover of the same to the incoming or newly elected officials,’’ pahayag ng DILG.


“Ayaw po nating magkagulo. Inuulit ko po ang announcement na ito sapagkat this will cover all the barangays and SK sa (buong) Pilipinas. Pagka-oath mo, coordinate with our DILG officer na nasa ground at binigyan namin sila ng instructions dito na magkaroon ng proper turnover,’’ dagdag ni Abalos.


Sinabi rin ng DILG chief na naatasan siyang maglabas ng mga guideline matapos ang payo ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga nanalong mga kandidato sa barangay at SK election, pagkaraang silang iproklama at manumpa sa kanilang tungkulin, ay maaring maaga nang mamahala ng opisina.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page