ni Lolet Abania | November 20, 2021
Muling magkakaroon ng mahigit sa pisong rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya.
Sa taya ng Unioil Petroleum Philippines, mula Nobyembre 23 hanggang 29, ang presyo ng kanilang diesel ay posibleng bumaba ng P1.10 hanggang P1.20 kada litro.
Habang ang gasolina ay may bawas-presyo ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro. Ayon pa sa industriya ng langis, asahan din ang kerosene na may P1.30 hanggang P1.40 rollback.
Ito na ang ikatlong sunod na linggong nagpatupad ng bawas-presyo sa gas.