top of page
Search

ni BRT | June 11, 2023




Asahan ang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo, ayon sa ilang oil industry players sa bansa.


Anila, batay sa unang 4-araw ng trading sa world market o mula Hunyo 5-8, posibleng may pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.


Kung magtutuluy-tuloy, posibleng magkaroon ng P1.20 kada litro na taas sa presyo ng diesel, P1 naman kada litro sa presyo ng gasolina at P1.26 kada litro sa presyo ng kerosene.


Ang adjustment sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay iniaanunsiyo tuwing Lunes at ipinatutupad naman kinabukasan.


 
 

ni Mai Ancheta | June 4, 2023




Inaasahang mababawasan ang penitensya ng mga motorista at mga pampublikong tsuper sa mataas na presyo ng produktong petrolyo dahil sa ipatutupad na rollback sa susunod na linggo.


Ito ay matapos ihayag ng Unioil Petroleum Philippines ang kanilang price rollback sa Martes.


Mababawasan ng 20 hanggang 30 sentimos sa presyo kada litro ng diesel habang 40-60 sentimos kada litro naman ang rollback sa presyo ng gasolina.


Matatandaang nagtaas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo nitong Mayo 30, ang mga kumpanya ng langis ng P1.10 per liter sa gasolina subalit ibinaba ng P0.60 per liter sa kerosene.


Wala namang naitalang pagbabago sa presyo ng diesel.


Batay sa monitoring ng Department of Energy, mayroong net increase na P6.10 kada litro sa gasolina, habang P6.75 naman kada litro sa kerosene.


 
 

ni Mai Ancheta | May 28, 2023




Inaasahan ang panibagong taas-presyo sa petrolyo sa katapusan ng buwan.


Piso ang inaasahang dagdag sa kada litro ng gasolina habang may bahagya ring pagtaas sa krudo at kerosene.


Batay sa pagtaya ng ilang eksperto mula sa oil industry, posibleng tataas ng piso hanggang P1.30 ang dagdag sa presyo kada litro ng gasolina.


Sa diesel naman ay aasahan ang bahagyang pagtaas ng sampung sentimo kada litro mula sa umiiral na presyo habang ang kerosene ay mula bente sentimos hanggang singkuwenta sentimos ang idadagdag sa presyo kada litro.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page