Sen. Gordon kay Leila De Lima: Bitter ka lang!
ni Twincle Esquierdo | September 2, 2020
Itinanggi ni Sen. Richard Gordon ngayong Miyerkules ang paratang na cover-up lang ang ginawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong 2019 para mapagtakpan ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alegasyong ibinabato sa kanila sa loob ng nasabing ahensiya.
Inirekomenda ni Sen. Richard Gordon na sampahan ng kaso sina dating Budget Secretary Florencio “Butch” Abad, dating Health Secretary Janette Garin at PhilHealth President at CEO Alexander Padilla dahil sa paglipat ng P10.6 bilyong pondo ng PhilHealth noong 2015 na mariing itinanggi ng tatlo.
Bago nito, matatandaang sinabi ni Sen. Leila De Lima na, “The Senate Blue Ribbon Committee’s report on a 2019 probe on the alleged fraud and corruption in the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) is nothing but a cover-up and an attempt at damage control in favor of President Duterte and his men in the agency.”
“One has to question the sincerity of this report; whether the real intent is to shield Mr. Duterte’s men in PhilHealth from accountability,” dagdag pa niya
“What can I expect from Senator De Lima? She is very bitter,” sagot ni Sen. Gordon sa pagbibintang umano na cover-up ang isinagawang imbestigasyon sa PhilHealth.
Ipinaliwanag ni Sen. Gordon na wala siyang hinihiling na pabor kay Pangulong Duterte bilang kapalit ng ibinibintang sa kanyang cover-up.
Aniya pa, “Wala naman akong hinihingi kay President Duterte. I have not seen him for the last two or three years. Second, we have not talked. Third I have been very tough on him on the extra-judicial killings, and I am against the death penalty.”
Ayon pa kay Sen. Gordon, hindi siya sang-ayon sa ilang pamantayan tungkol sa iba't ibang isyu ni Pangulong Duterte, maging ang pagkondena sa Simbahang Katoliko. Ipinapakita ni Sen. Gordon na ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho at nagbabase sa mga ebidensiyang meron siya.