ni Mary Gutierrez Almirañez | April 30, 2021
Darating na sa ‘Pinas ang 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines galing Russia matapos itong ma-delay nang dahil sa ‘logistic concerns’, ayon sa kumpirmasyon ni Philippine Ambassador to Russia King Sorreta.
Batay sa kanyang Facebook post kahapon, "First shipment of Sputnik V vaccines (15,000 doses) left today, 29 April, from Moscow and should be in Manila by May 1. More to come in the next weeks and months. Great working with the DOH, DFA, Special Envoy for Russia and the other members of the IATF to make this happen."
Matatandaang nu’ng Linggo pa lamang ay nag-abiso na ang pamahalaan hinggil sa magiging delay sa ika-28 ng Abril, kung saan nakatakda rin sana itong masundan ng 480,000 doses kinabukasan.
Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na nangangailangan ang Sputnik V ng cold storage facility na hindi lalagpas sa 18 degree Celsius na temperatura, kaya may posibilidad na hindi lahat ng local government units (LGU) ay mabibigyan nito.