ni Madel Moratillo | May 10, 2023
Nais ng Makabayan bloc na magkaroon ng Congressional inquiry sa sinasabing bentahan umano ng laptop na binili para sa mga guro ng Department of Education (DepEd).
Sa resolusyong inihain nina ACT Teachers Partylist Representative France Castro, Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, nakasaad na nais nilang atasan ng liderato ng Kamara ang Committee on Good Government and Public Accounts na mag-imbestiga.
Batay sa impormasyon ng Makabayan, ang mga nasabing laptop ay napunta umano sa Facebook Marketplace o surplus stores sa Cebu and Rizal.
Nakasaad sa resolution na may mga guro ang nagsabing wala silang natanggap na laptop na binili para sa DepEd Computerization Program noong kasagsagan ng pandemya na panahong nagpatupad ng blended teaching.
Sa imbestigasyon umano ng DepEd Central Visayas nadiskubreng 100 laptop ang naibenta sa surplus store sa Cebu