ni Madel Moratillo @News | July 12, 2023
Hindi pa maibabalik ng Department of Education sa dati ang academic calendar.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, posibleng abutin pa ng 3 hanggang 5 taon bago maibalik ang June to March academic calendar.
Dahil sa matinding init ng panahon, may mga nananawagan na ibalik na sa dati ang pasukan ng eskuwela.
Ayon kay Poa, naghihintay pa sila ng resulta ng final evaluation ng ginawang pag-aaral ng DepEd.
Posible rin naman aniyang bumalik sa dati pero aabutin pa ito ng ilang taon. Kailangan aniyang timbangin ang pros and cons ng pagbabalik ng school calendar sa dati.
Nabatid na ikinukonsidera rin ng DepEd ang minimum number ng school days na sa ngayon ay nasa 200.
Pansamantala, bilang alternatibo sa init ng panahon, nagsabi na sila sa mga pinuno ng eskuwelahan na huwag munang papasukin ang mga bata. Puwede naman aniya ang alternative schooling.