ni Lolet Abania | April 30, 2021
Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na ang pinal na desisyon sa pagbubukas ng klase para sa taong 2021-2022 ay na kay Pangulong Rodrigo Duterte, habang ang panukalang August 23 ay isa lamang sa kanilang mga opsiyon.
Ayon sa DepEd, maghahain pa ang ahensiya ng ibang options kay Pangulong Duterte.
“The August 23 start date proposal is only one of the options since DepEd is mandated to open the school year not later than the last day of August under the same law unless the President intervenes,” ayon sa inilabas na statement.
Inisyu ng DepEd ang nasabing pahayag matapos na isa sa mga opisyal ng ahensiya ang nagmungkahi na sa August 23 ay maaari nang simulan ang school year 2021-2022, kung saan wala pang dalawang buwan ang bakasyon ng mga estudyante matapos ang klase ngayong taon.
Samantala, pinalawig ang school year 2020-2021 nang hanggang July 10.
“Nonetheless, we are still conducting policy consultation and review with concerned stakeholders to determine the most appropriate course of action on this matter,” sabi pa sa statement.
Dagdag ng DepEd, maglalabas sila ng official guidelines para sa school year sa mga susunod na araw.